31
Jul

Anak Ng

   Posted by: Allan   in Cultures, Verse -- Love

N’ong isilang ako sa mundong ito
laking tuwa ng magulang ko
di kasi nila alam akoy’s sira ulo
At ang nanay at tatay ko’y
binibigay kahit ano’ng gusto.

Dati po, noong ako’y bata
lagi akong tumutula
at naglalaro sa labas pag walang magawa.
Kahit ano’y sinusunog
pag nakahanap ako ng kandila.

Shato, piko, patintero
ang nagsira ng tsinelas ko
iyon po ang aking naging ehersisyo.
Unti unting tumataba
wala kasing ginagawa kundi nintendo.

Hindi na nagbabasketbol,
Si MacGyver ang naging idol
Nakagawa ako ng aking palakol.
Minahal ko rin ang berdeng ilaw
ng aking computer na apol.

Ngayon namang malaki na ko
wala pa ring nagbabago
ulol, tungak, tanga, saka gago.
At ang nanay at tatay ko’y
hindi alam kung bakit ako’y ganito.

Ang aking kanta’y pakinggan
may taong di matutulungan
dahil puno ng katarantaduhan
dinggin mo ang aking payo
ang mga katulad ko’y dapat ilagan
ang mga katulad ko’y dapat ilagan
ang mga katulad ko’y dapat ilagan…

This entry was posted on Sunday, July 31st, 2005 at 7:48 pm and is filed under Cultures, Verse -- Love. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a reply

Name (*)
Mail (will not be published) (*)
URI
Comment